Everyday is a shiznit!
Eto ang pinaka-nagustuhan kong sinabi niya kahapon noong nagpaalam na kaming aalis.
“Hindi naman ako nananakit ng babae eh.”
Buti pa ‘yong taong grasa. Kahit sa paningin ng iba ay dapat silang katakutan o iwasan, nagagawa pa niyang magsabi ng mga bagay na katulad nun.
Alam niyo habang sinasabi niya ‘yan… talagang makikita mo ‘yong sinseridad sa mata niya. Isa pang pruweba ay ang paggamit niya ng PO and OPO habang kinakausap namin siya. Magalang talaga. :)